Salespage Snapshot
Table of Contents
Chapter 1: Pagbubukas ng Pinto ng IM sa Filipino
Chapter 2: Ang Kailangan ng Bawat Filipino Internet Marketer
Chapter 3: Angkop na Online Business Model
Chapter 4: Ang Pangunahing Tungkulin ng Internet Marketer
Chapter 5: Mga Kagamitang Makatutulong Sa Iyo
Chapter 6: Ang Nagbibigay ay Tumatanggap
Sample Content Preview
CHAPTER 1:
Pagbubukas ng Pinto ng IM sa Filipino
(THE OPENING OF THE DOOR OF IM FOR THE FILIPINO)
Salamat sa iyong pag-download nito!
Ako po si Jayson Guevarra, isang Filipino na nagnanais magbahagi ng aking natutunan at karanasan tungkol sa IM. Tinatawag din akong sonjay ng mga taong malapit sa akin. Ito ay isang LIBRENG EBOOK. FREE. Kung nagbayad ka bago mo ito mabasa, naloko ka.
Mahigit-kumulang 30 pages din ang ebook na ito. Kung wala ka palang oras pag-aralan ang mga narito, okay lang. May isang madaling paraan para kumita ka (online) gamit ang free ebook na ito, at matatagpuan ito sa Chapter 6.
Ang paraan ng pagkakasulat ng ebook na ito ay tatawagin kong “Conversational Filipino”. Ito ay ang paggamit ng pinagsamang Filipino at English language, hindi Tag-lish ang intensyon ko, pero mas importante sa akin na makilala ninyo ako bilang totoong tao, totoong Filipino, at hindi isang nilalang o entity na hindi ninyo maiintindihan.
Ang paraan din ng pagkakasulat nito ay sa pag-aakalang pamilyar ang mambabasa sa mga “terms” na pinakamadalas gamitin sa Internet at Computer.
Home-based business, online business, Internet business, freelance job… anuman ang ginagawa mo, basta kumikita ka ng pera gamit ang Internet nang tuwiran, ikaw ay kabilang sa malaki at lumalaki pang Internet Marketing Industry. Halimbawa nito ay iyong nasa Business Process Outsourcing Companies -kahit na ikaw ay narito sa sarili mong bansa at may maituturing na “traditional/regular job”, dahil sa ang hanapbuhay mo ay kailangang makipag-ugnayan sa mga tao sa pamamagitan ng Internet, sa totoo lang ay bahagi ka ng Industriya.
Matindi ang iba pang mga konsepto na matatagpuan sa ebook na ito, pero hangga’t maaari ay pinasimple ko na lamang para mas mabilis maintindihan at masundan.
Sa Chapter 2 ay maipapaliwanag ang mga dahilan kung paanong halos handang-handa naman na ang Kulturang Filipino para mamayagpag sa IM. Sa Chapter 3 ay ilalahad ko ang iba’t-ibang Online Business Models na maaaring pagpilian upang simulan ang isang masaganang IM career. Babala: ang mga nakapaloob dito ay tiyak na babago sa iyong mga pananaw tungkol sa paggamit ng Internet. At hangad ko na maging matagumpay ka gamit ang sistema na matututunan mo mula sa ebook na ito!
Other Details- 1 Ebook (PDF), 33 Pages
- Year Released/Circulated: 2009
- File Size: 1,523 KB